Wanted na Chinese national dinampot sa Parañaque

0

Nalambat ng mga tauhan ng Intelligence Section ng District Mobile Force Battalion- Southern Police District (DMFB-SPD) ang isang Chinese national na wanted sa kasong kidnapping atserious illegal detention sa isinagawang follow up operation kagabi sa Tambo, Parañaque City.

Nakilala ang suspek na si Chenglong Xu, 25-anyos na pansamantalang nakatira sa Parañaque City.

Inaresto si Xu bandang 6:30 Martes ng gabi sa kanyang tinutuluyang bahay sa Quirino Ave Tambo, Parañaque City.

Sa bisa ng  Warrant of Arrest na inisyu ni  Hon. Leilani Marie N. Dacanay-Grimares ng RTC Branch 294 Paranaque City docketed under . Criminal Case No. 2023-1186 sa kasong Kidnapping at Serious Illegal Detention under Art. 267 of the Revised Penal Code, as amended by R.A. no. 7659. 

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Custodial Facility ng Parañaque City Police Station.

About Author

Show comments

Exit mobile version