33.4 C
Manila
Saturday, June 29, 2024

Tiktokers na kandidato, kakasuhan – Comelec

BAWAL na bawal ang Tiktok.
Ito ang mensaheng nais iparating ng Commission on Elections (Comelec) sa lahat ng
mga kakandidato sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).


Dapat daw alisin ng bawat kandidato ang lahat ng posts sa Tiktok at iba pang social
media platforms na nagtatangkang i-promote ang sarili, sa direkta o kahit sa hindi
direktang paraan, dahil malayo pa ang campaign period. Kung mananatili silang
pasaway, kakasuhan sila at maaaring ma-disqualify, ayon sa Comelec.


Nilinaw ni Comelec Chair George Garcia, na isang uri ng pangangampanya ang posts
sa social media dahil sa ipinagbabawal pa ito ng ahensya sa ngayon.

BASAHIN  Kakaibang Dragon Stamps babandera ngayong 2024


Ang panawagan ay bunsod nang mga naglipanang social media posts na may larawan
ng mga kakandidato pati na ang kani-kanilang line-up para sa BSKE.


Itinakda ng Comelec ang campaign period mula Oktubre 19 hanggang 28, at ang
eleksyon sa darating na Oktubre 30.


Kahit daw walang sapat na kakayahan ang Comelec para ma-monitor ang bawat social
media post, malamang magsumbong kani-kanilang kalaban at magsampa ng
disqualification case.


Idiniin ni Garcia na kahit siya ay boboto pabor sa diskwalipikasyon ng mga kandidatong
ayaw makinig sa kanilang panawagan at patuloy pa ring ginagamit ang social media
platforms para sa kampanya kahit malayo pa ang campaign period.

BASAHIN  Fingerprint ng mga kriminal, bistado na ng PNP gamit ang makabagong e-Booking system

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA