33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Pagtatago ng bigas, heinous crime – Romualdez

PAHIRAP sa mga Pilipino, kaya dapat silang makulong.


Ganito inilarawan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang rice hoarders na
gumagawa ng artipisyal na kakulangan sa suplay ng bigas.


“Rice hoarding is a heinous crime because it victimizes poor families who barely have
enough money to put food on the table and pay for everything else that will uplift their quality
of life. Hoarders profit from the misery of others, and for that they deserve to be in jail,” saad
ni Romualdez.


Ito ay sinabi ng Speaker matapos siyang sumama sa Bureau of Customs (BOC) noong
Miyerkoles sa isang surprise inspection sa Dinorado Rice Mill, Gold Rush Rice Mill 3, at JSS
Rice Mill, pawang nasa Bulacan.

BASAHIN  2,400 Km na bike lane sa 2028


Naging katuwang ni Romualdez sina House Committee on Agriculture and Food chair Mark
Enverga, House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo, at Bulacan Rep. Ambrosio Cruz Jr.


Sinabi ni Romualdez sa BOC, “Pag-ibayuhin pa ang pagsisikap na mahuli itong smugglers
at hoarders na ito. I believe that by sending them to jail, we will send a clear message to
other hoarders to stop what they are doing under pain and penalty of jail time.”


Dapat daw kaagad kumpiskahin ang bawat sako ng bigas na mapapatunayang smuggled at
sinadyang itago nang matagal para magkaroon ng artificial shortage – dahilan para tumaas
ang presyo nito.

BASAHIN  ₱1.56- na pekeng Nike shoes, kinumpiska ng Customs

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA