MUSEUM curator!
Ito raw ang mas nababagay kay Gilas Basketball Coach Chot Reyes dahil sa masyado
raw “antiquated” ang coaching style nito.
Kamakailan, sinabi ng isang Gilas player na makaluma raw ang coaching style ni Reyes
at dapat daw na bawat bagong laro ay may bagong game strategy, na mukhang hindi
naman daw nito ginagawa.
Nauna nang sangkatutak na batikos si Reyes matapos matalo ang Gilas sa Domican
Republic, pati na rin ang halos pagbabangko kay Kai Sotto, at pagka-foul ni Gilas-NBA
player Jordan Clarkson sa huling bahagi ng laro.”
Marami ang nakapanood sa YouTube sa paulit-ulit na pagsigaw ng Pinoy fans nang
“Coach Tab Baldwin” habang nasa arena. Gusto nilang palitan na ni Baldwin si Reyes.
Kahapon, naghain ng resignation si Reyes, pero hindi ito tinanggap ng Samahang
Basketbolista ng Pilipinas (SBP).
Ayon sa ilang netizens, kung gusto talaga ni Reyes na mag-resign, dapat “irrevocable”
ang kanyang resignation, at hindi basta resignation, na tila “paawa effect”.
Ayon sa ilang observers, dahil sa mga sigalot ito at kakulangan ng bagong strategy ni
Reyes, magkasunod na natalo ang Gilas sa Dominican Republic at Angola sa
kasalukuyang FIBA.