33.4 C
Manila
Sunday, February 23, 2025

Irish national kulong sa estafa sa Makati

Kulungan ang bagsak ng isang Irish national matapos na hindi magbayad ng kanyang bill na nagkakahalaga ng P23,479.50 sa pagkain at ininom na alak sa isang bar, kasabay nito ang pananakit pa sa isang bouncer, kahapon ng madaling araw sa P. Burgos Street, Barangay Poblacion, Makati City.

Nakilala ang suspek na si Fitzgibbon Adam, 30-anyos.

Ayon sa salaysay ng bouncer ng bar, nagwawala ang suspek sa loob ng bar sa sobrang kalasingan at nang kinuha na ang bill ay walang maibigay at nagsabing magwi-withdraw daw muna umano sa ATM kung kaya’t sinamahan ng bouncer.

Nang makarating na sila sa ATM ay biglang sinuntok ng banyaga ang bouncer sabay takbo na planong takasan talaga ang kanyang bill subalit naabutan siya ng bouncer saka dinala sa presinto.

BASAHIN  Rommel Marbil ng “Sambisig” ’91, bagong hepe ng PNP

Handa magsampa ng reklamo ang may-ari ng resto bar laban sa Irish national na kasalukuyang nakakulong sa Makati Police Station Custodial Facility.

BASAHIN  Nigerian, huli sa buy-bust operation sa Las Piñas

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA