Iyak ang isang babae matapos na makitang wala ang kanyang motorsiklo sa paradahan, kahapon sa Barangay Bagong Pag-asa, Quezon City.
Agad na inireport sa Project 6 Police Station (PS 15) ni Kim Rica Jimenea ang pangyayari makaraang mawalan ng pag-asa pang makita ang pinag-ipunang motorsiklo nang malaman wala na ito sa paradahan bandang 6:00 ng umaga sa harap ng kanilang bahay.
Mula sa utos ni PLtCol. Richard Mepania, Station Commander ng PS 15, nasakote ang suspek na si Noroden Ali Disomimba, 28-anyos, residente ng Puno St., Sitio San Roque II, Brgy. Bagong Pagasa, Quezon City.
Ayon sa report, nakita ng biktima ang kanyang motorsiklo na minamaneho ng suspek kaya agad na inireport sa pulis at nagkaroon ng habulan sa pagitan ng suspek at nagrespondeng pulis hanggang sa ma-corner na ito sa harap ng Veterans Memorial Medical Center sa kahabaan ng North Avenue, Agham Road, Brgy. Bagong Pagasa, Quezon City at narekober ang nawawalang motorsiklo na which resulted in his arrest and the recovery of the stolen motorcycle Blue Suzuki Raider 150 Carb Motorcycle.
Kinasuhan ang suspek ng paglabag sa R.A. 10883 o New Anti-Carnapping Act of 2016.