33.4 C
Manila
Saturday, May 17, 2025

Sales boy buking sa pagsikwat ng van

Buking ang ginawang pagnanakaw ng isang sales boy matapos mahuling itatakas na sana ang isang van na nakaparada nang makita ng kapitbahay, Sabado ng madaling araw sa Welcome Village, Brgy. San Antonio, Parañaque City.

Nakilala ang ang suspek na si Jomar Codiamat, 25-anyos, sales boy at residente ng nasabing barangay.

Ayon sa complainant na si alyas Ramil, 54-anyos, nagising lamang siya nang makarinig ng sigaw mula sa kapitbahay na kung saan nasaksihan nito na puwersahang binubuksan ang ang kanyang sasakyan na isang kulay itim na Nissan Urvan. 

Agad na humingi ng tulong sa Barangay San Antonio at inalerto ang  BF Homes Police Substation, Parañaque City na nagresulta sa pagkahuli sa suspek.

BASAHIN  Mahigit 4,000 pulis, dinisiplina ng PNP

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Custodial Facility ng Parañaque City Police Station habang inihahanda ang kasong carnapping laban sa suspek.

BASAHIN  2 Bigtime tulak, 26 iba pa nalambat ng NCRPO sa loob ng 24 ORAS 

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA