33.4 C
Manila
Friday, November 15, 2024

US$1-B Investment ng TI sa bansa

“BAGONG puhunan, bagong trabaho.”


Ito ang inaasahan ng ating mga kababayan sa Clark City at Baguio City matapos ianunsyo ng
Malacañang noong Huwebes na maglalagak ng US$1 bilyong puhunan ang Texas
Instruments, Inc. (TI) ngayong taon.


Ang American semiconductor company ay magdaragdag ng pasilidad para sa produksyon ng
microchips sa bansa dahil sa lumalaking global demand.


Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang patuloy na lumalaking kakulangan sa
microchips ay nakaaapekto sa maraming produkto gaya ng smartphones, computers, home
appliances, kotse, at iba pa.


Sinabi ni Sean Fredericks ng RS Asia-Pacific na ang Pilipinas ay pwedeng maging major
player sa global semiconductor industry, dahil sa English-speaking na populasyon at ang
pagsunod nito sa intellectual property protection.

BASAHIN  Planong paghihiwalay sa Mindanao, itigil — Marcos


Dahil dito, ipinatutupad ng Marcos Administration ang isang komprehensibong programa para
mapahusay ang skills ng ating workforce at makaagapay sa global standards.


Umabot sa US$35 milyon ang ating export ng electronic products noong 2022.

BASAHIN  VP Duterte pinuri ang pamumuno ni Marcos, Jr.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA