IPINAHAYAG ni Sen. Risa Hontiveros na susuportahan niya anomang hiling na ayusin at i-
refurbish ang BRP Sierra Madre (BSM) sa Ayungin Shoal o Second Thomas Shoal (STS).
Ang BSM ay dating USS LST-class tank landing ship noong World War II hanggang sa
digmaan sa Vietnam (1955-1975). Noong April 5, 1976, ito ay inilipat sa Philippine Navy, at
pinangalanang BRP Sierra Madre (LT-57).
Noong 1999 sinadya ng gobyerno ng Pilipinas na pasadsarin ang barko sa STS sa Spratly
Islands para magsilbing outpust o “permanent station” ng ating marines upang
mapanindigan ang ating soberanya sa pinagtatalunang teritoryo.
Ayon pa kay Hontiveros, “Dapat lang sigurong i-refurbish alang-alang naman sa mas
makataong antas ng pamumuhay ng ating kababayang Philippine Navy Marines, na literally
and figuratively itinataguyod ang watawat natin doon.”
Noong Agosto 5, inisprayhan ng tubig ng Chinese Coast Guard ang maliit na barko ng
Pilipinas na magdadala sana ng supplies sa BRP Sierra Madre at inakusahang may dalang
construction materials para magtayo ng istraktura sa nasabing lugar. Itinanggi ito ng
Philippine Coast Guard at iginiit na ang Ayungin Shoal ay bahagi ng Pilipinas.