33.4 C
Manila
Friday, December 20, 2024

PH kumalas na sa ICC

NILAGDAAN na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang dokumento nang pagkalas ng Pilipinas sa
International Criminal Court (ICC), matapos ibasura ang apela ng bansa para huwag nang
imbestigahan ang “war on drugs” sa termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Ayon kay Solicitor General Menardo Guevarra, ang apela ng Pilipinas sa ICC Appeals Chamber ang
pinakahuling ugnayan ng bansa sa nasabing organisasyon.


Dahil sa pagbasura ng ating apela, itutuloy ng ICC Prosecutor ang pag-iiimbestiga sa ‘war on
drugs’ na naging dahilan sa pagkamatay ng ng libo-libong indibidwal magmula 2016 – 2022.


Kasama sa iimbestigahan ang dating Philippine National Police Chief at ngayo’y Senador Ronald
“Bato” dela Rosa.

BASAHIN  Agriculture sector naghihingalo na – Recto


Hindi tinanggap ng ICC na wala silang hurisdiksyon sa bansa, dahil miyembro pa ang Pilipinas ng
ICC nang maganap ang extra-judicial killings.


Pero para kay Marcos, wala nang jurisdiction ang ICC sa bansa.

Nauna pa rito, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na dahil sa pagkalas ng Pilipinas
sa ICC, hindi na sila makapag-iimbestiga rito.

BASAHIN  Mas maraming ospital sa bansa, itatayo – Marcos

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA