INAMIN Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang kanyang pangako na maibaba ang presyo ng
bigas sa P20 kada kilo ay hindi pa natutupad.
“Iyong ating hangarin na 20 pesos na bigas (bawat kilo) eh wala pa tayo, pero ginagawa natin ang
lahat,” ayon sa Pangulo sa kanyang speech sa paglulunsad ng Kadiwa ng Pangulo program noong
Lunes sa San Fernando City, Pampanga.
Nilagdaan ng pangulo ang isang memorandum of agreement (MoA) kasama ang iba’t ibang
ahensya ng pamahalaan para magtayo ng Kadiwa ng Pangulo outlets sa mga lugar na
nasasakupan ng pamahalaang lokal.
Ayon sa Pangulo, nilalayon ng mga Kadiwa centers na alisin ang middleman para maibaba ang
presyo ng mga pangunahing bilihin.
Idiniin din ni Marcos na naglalayon ang Kadiwa program na palakasin ang produksyon ng
agrikultura sa bansa para magkaroon ng sapat na pagkain ang bawat Pilipino at makapag-luwas
din sa ibang bansa ng ating surplus na ani.
Kasali ang 81 probinsya sa buong bansa sa sabay-sabay na paglulunsad at pagbubukas ng kani-
kanilang Kadiwa centers noong Lunes.