INIANUNSYO ng Embahada ng Republic of Korea na magsisimula silang tumanggap ng walk-in visa applications simula Agosto 14 sa bagong Korea Visa Application Center (KVAC).
Ang KVAC ay matatagpuan sa Brittany Hotel, Bonifacio Global City, Taguig City. Magsisimula ito ng
pilot operation sa Agosto 14-25. Sa petsang ito, iyon lamang may online reservations sa visa ang
pagsisilbihan.
Ang aktuwal na walk-in visa applications sa KVAC ay magsisimula ng Agosto 29 at lahat ng mga
susunod na araw, tuwing may pasok sa opisina.
Unli raw o walang limit ang bilang ng visa applications ang tatanggapin bawat araw, ayon pa sa
kinatawan ng KVAC.
Sa ganitong kaayusan, ang kasalukuyang online visa appointment ay magtatapos sa Hulyo 27, kapag nabuksan na ang slots para sa Agosto 1-25.
Kapag nailunsad na ng KVAC ang bagong programa, hindi na tatanggap ng visa applications sa
tanggapan ng South Korean Embassy.