33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

BI, Pulisya, binatikos ni Tulfo kaugnay ng POGO raid

MALABONG-MALABO!


Ito ang reaksyon ni Senador Raffy Tulfo sa imbestigasyong ginagawa ng mga pulis 13 araw na ang
nakalipas matapos ang raid sa isang POGO facility sa Las Piñas City noong Hunyo 27.


Sa isang press conference nitong Lunes, sinabi ni Tulfo na malabo pa rin kung sino-sino ang mga
taong nasa likod ng POGO operation, na kung saan mahigit 2,000 katao ang diumano’y na-rescue
kabilang na ang mga Pilipino at dayuhang manggagawa rito.


Kinuwestyon ni Tulfo ang kawalang=aksyon ng Bureau of Immigration (BI) na dumating lamang sa POGO facility anim na araw matapos ang raid o noong July 4.


Binatikos din ng senador ang ginawa ng pulisya sa pagpapalaya nito sa lahat ng Pilipinong nahuli kahit walang maayos na imbestigasyon at identification kung sila ay sangkot sa krimen.

BASAHIN  PCSO, inaming edited ang mga larawan ng lotto winner


Kaugnay nito, nagpasa si Tulfo ng resolusyon sa Senado para raw mapatigil na ang mga raid na gaya nito na tila moro-moro at hao-siao.

BASAHIN  Vloggers na nagkakalat ng fake news tuldukan na - Tulfo

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA