NAIS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawing libre ang OEC o Overseas Employment
Certificate para sa mga paalis na Overseas Filipino Workers (OFWs).
Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) noong linggo na inutusan ng Pangulo ang DMW na pag-aralan kung paano pwedeng gawing libre ang OEC.
Sa meeting, iprinisinta rin ang “DMW Mobile App” na magpapabilis sa komunikasyon ng OFW sa
DMW saan mang parte ng mundo siya naroroon.
Matapos ang tatlong buwan na transition period, tuluyan nang papalItan ng OFW Pass ang OEC.
Ang OFW Pass ay isang QR-code generated na makukuha lamang mula sa “DMW Mobile App”
samantalang kailangan magbayad ng P100 para sa OEC.