2 High-Value drug suspects, nasakote sa Pasig,P680k na halaga ng shabu, nakumpiska

0
372

DALAWANG high-value drug suspects ang nasakote sa isang drug buy-bust operation sa
Pasig na isinagawa ng mga operatiba ng Pasig Station Drug Enforcement Unit and Station
Intelligence Section, noong Hulyo 3.


Ayon kay PCol Celerino Sacro, Jr., hepe ng Pasig Police, ang mga nahuling suspek ay
sina alyas “Acob”. 58, ika-lima sa most wanted sa rehiyon, walang trabaho, nakatira sa
Pinagbuhatan, Pasig City at si always “Raimah”, 43, biyuda, Ika-siyam sa most wanted sa
rehiyon, walang trabaho at nakatira sa Pinagbuhatan Pasig City. Sila ay kinasuhan sa
paglabag sa Sections 5 at 11 ng Article II ng R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous
Drugs Act of 2002.

BASAHIN  Gumuhong pader ng City hall, 1 Tigok 2 sugatan


Nahulihan ang dalawa ng 19 na pirasong shabu na may timbang na 100 gramo at may
street value na P680,000.


Pinapurihan ni PCol Sacro ang sipag at dedikasyon ng kaniyang mga tauhan na
nagsagawa ng operasyon.

BASAHIN  Munti, ipinagdiwang ang ika-106 taon nang pagkakatatag

About Author