DAPAT magkaroon ng buong bansang konsultasyon kasali ang lahat ng tourism
stakeholders kung paano i-promote ang ating bansa, gamit ang modernong
teknolohiya.
Ito ang pahayag kamakailan ni Bicol Rep. Joey Salceda matapos ang nakahihiyang
iskandalo na dulot ng kontrobersiyal na DOT video, ang Love the Philippines.
Dapat ilunsad ng gobyerno ang Sulong Turismo, para magkaroon ng konsultasyon
sa lahat ng tourism stakeholders tungkol sa anim na “A’s” ng turismo, ito ay:
attraction, accessibility, amenities, available packages, activities and ancillary
services, ani Salceda.
“Matapos ang konsultasyon, magkakaroon ng “actionable points” na ipadadala sa
Pangulo para mabigyan ito ng pinakataas na prayoridad” saad ni Salceda.
Magagamit daw ng Department of Tourism ang “Sulong platform” dahil ito’y
sasalamin sa mga pagbabago sa kung ano ang mga maibibigay ng ating bansa
para makaakit ito ng mas maraming turista, aniya pa.