33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Isang barangay tanod patay, 4 sugatan sa 2 magkasunod na sunog sa Pasig City

HINDI na nagawa pang makalabas ng buhay ni Allan Buriongan, nang masunog ang tinitirhan nito sa Muslim and Christian Brotherhood Association Compound sa Esguerra Street, Brgy. Pinagbuhatan.

Ayon sa kaniyang mga kamag-anak pumasok pa di-umano ito sa looban sa kabila ng makapal na usok. Kilala si Buriongan, 42, isang Barangay Security Force (BSF) ng nasabing barangay.

Inakala di-umano ng tanod na nasa loob pa ng kanilang nasusunog na bahay ang kaniyang mga anak, ngunit ayon sa mga naka-saksi, nasa paaralan pa pala ang mga ito at ang iba ay nakalabas na at siya ay hinahanap din ng mga kaanak.

Sugatan naman ang apat pang biktima na sina Roland Gumanas, 47; Raymond Reyes, 31; Kevin Gonzales, 25; at Angelo Lupid, 27.

BASAHIN  Ex-cop na nanutok sa siklista, pinakakasuhan ng DILG

Umabot sa ikatlong alarma ang nasabing sunog na nagsimula dakong alas-11:48 ng umaga at naapula dakong ala-1:12 ng hapon.

Patuloy pa na inaalam ng BFP kung ano ang pinagmulan ng sunog at ang kabuuang halaga ng mga natupok na ari-arian.

Samantala, matapos na mai-deklara ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Pasig ang nasabing sunog, isa namang ancestral house ang nasunog sa Brgy. San Jose.

Ang nasabing sunog ay nagsimula sa ikatlong palapag ng ancestral house ng Pamilya Bernardino at wala namang naiulat na nasaktan.

Umabot lamang sa unang alarma at kaagad itong naapula dahil sa mabilis na pag-responde ng mga bumbero na huling dumating sa sunog sa Esguerra Street kung saan ang karamihan sa mga ito ay puno pa ang mga tangke ng tubig.

BASAHIN  Single-ticket system para sa lumalabag sa batas-trapiko - Zamora

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA