33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Ilang driver sa Binangonan ‘di nakiisa sa transport strike

HATI ang naging tugon ng mga jeepney drivers sa ikinasang isang linggong tigil-pasada bilang pagtutol sa nakaambang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) kung saan ang mga kasalukuyang bumibyahe sa mga kalsada na old jeepney model ay nakaplanong palitan ng modern e-jeepney.

Sa kabila ng direktiba mula sa kani-kanilang kooperatiba, napili pa rin ng ilang mga jeepney drivers na bumiyahe at mamasada.

Binigyan naman ni Alderico Pirante, Chairman ng Tanay, Binangonan, Cainta, Sta. Lucia Transport Cooperative (TBCSTC) ng kalayaang magdesisyon ang kanilang mga driver kung sila ba ay mag-titigil pasada o kung sila ay bibiyahe pa rin sa kabila ng jeepney strike.

“Sa aking pananaw, sa grupo namin ay hindi maganda na isang linggo ang kanilang ibinabang strike, tigil pasada kasi, tama po na karapatan nila yan at kami naman karapatan rin namin bumiyahe,” ani Pirante.

Ipinarating naman ng mga jeepney drivers ang kanilang pagtutol sa jeepney modernization program.

Ayon sa kanila, huwag naman sana ituloy, sa halip ay tulungan nalang sila na i-improve ang kalagayan ng kanilang mga jeep ng sa ganon ay matagal pang mapakinabangan.

Idinagdag pa ni Jovito Magsino, driver at operator, na mahigpit ang kanilang pag-tutol sa jeepney modernization program dahil bukod sa mahal ang presyo ng e-jeepney, ito nalang ang kanilang pinagkakakitaan at pang-kabuhayan.

BASAHIN  Ilang jeep sa Tanay, tuloy pasada sa kabila ng jeepney strike

“Mariin po naming tinututulan yan. Siyempre po e pangkabuhayan po namin ‘to, pang araw-araw. Kahit po maliit ang kita tinitiyaga po namin. Eh kung mamimigay laang din naman [sila] ng mga jeep eh di sana ibigay na sa mga pang karaniwang driver. Pahulog-hulugan na lang sa amin, kahit mura sa lalong madaling panahon, yung konti lang ba ang requirements,” saad pa ni Magsino.

Batay sa obserbasyon, hindi naman gaanong naapektuhan ang mga commuter sa unang araw ng jeepney strike dahil may mangilan-ngilang jeepney drivers pa rin ang piniling pumasada.

Sa isyung ito, ilan sa mga commuter ang napahayag din ng kanilang saloobin.

Ayon kay Janzen Blaza, isang commuter mula Tanay, paghihirap lang di-umano ang magiging dulot ng jeepney modernization program.

“Para sa amin bilang mga commuters, na everyday pumapasok, mahirap talaga kasi katulad nyan mag a-adjust kami ng ilang oras imbis na sakto lang yung ipapasok namin. May magagawa pa [sana] kami sa bahay, mag a-adjust pa kami, tapos mahirap sumakay then ngayon ayan ang tagal bago dumating ng jeep,” giit pa ni Blaza.

“Siyempre unang-una kasi pag jeep mura ang pamasahe, so pag nawala ang jeep maraming mag-iistruggle na mga employee,” dagdag pa niya.

BASAHIN  Pilipinas, tambakan ng luma, outdated na sasakyan; ₱985-K na electric jeepney

Nito lamang nakaraang linggo, iniutos ng Land Transportation Office (LTO) ang extension sa deadline para sa pag-phase out sa mga pampasaherong jeep, mula Hunyo 30 ngayong taon ay iniurong ito ngayong paparating na Disyembre.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA