Daan-daang mga residente ng Barangay Kalawaan ang nananawagan sa mabagal na koleksyon ng basura sa kanilang barangay.
Ayon sa ilang residente, nangangamoy na di-umano ang mga basura sa ibat-ibang bahagi ng baragay kung kaya maging ang kalusugan ng mga bata ay nalalagay na sa peligro.
Sa panayam ng PasigNewsToday (ngayo’y BRABO News Pasig) sa ilang residente, mula December 25 pa di-umano nakatambak ang basura na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nakokolekta.
Ang ipinagtataka ng mga residente ay na bakit ngayon lang ito nangyari kung kailan katatapos lang ng okasyon at alam na dapat di-umano ng basurero na madaming basura dahil nga pasko.
Sinabi pa ng ilang residente na sanay di-umano sila sa araw-araw na iskedyul ng koleksyon ng basura ngunit pumalpak lang ito ngayong taon.
Dagdag pa nila na tuwing araw lamang ng koleksyon nilalabas ang mga basura sa kani-kanilang tahanan, ngunit dahil wala pang kumukuha nito ay nagmistula na itong tambakan ng basura ng mga residente.
Umaalma na ang mga residente dahil sa bukod sa nangangamoy na ang tambak na basura, nilalangaw pa ito at inuuod.
Diin pa ng mga residente na sana mahakot ng mas maaga ang basura dahil nga maraming residente lalo na ang mga bata ay maaring maapektuhan ng umaalingasaw na amoy nito.
Bukod dito ay maraming bata ang naglalaro sa gilid ng tambak na basura.
Nanawagan ang mga residente na sana dumating na ang truck na kumokolekta ng basura dahil tambak na ang basura sa iba’t ibang lugar sa Brgy. Kalawaan.
Ayon kay Ate Isabel, residente sa lugar, na nilang ipaabot kay Mayor na palpak ang sistema ng waste management.
Umaasa ang mga residente ng Brgy. Kalawaan na sana maaksyunan na ng City Council at ni Mayor Vico Sotto ang kanilang hinaing.