- Advertisement -

Bagets na nalunod sa Morong natagpuan na, 1 pa pinaghahanap

- Advertisement -
Advertisement

PINAGHAHANAP pa rin hanggang ngayon ng mga awtoridad ang isa sa 2 bata na pinaniniwalaang nalunod din matapos tangayin ang mga ito ng agos ng ilog sa Brgy. Bombongan, Morong, Rizal nitong Hulyo 20, 2025.

Kinilala ang mga nawawalang bata na sina Gene Heinrich Dacumos, 12 anyos, at Ruben Cioseph Giray Cubilla, 10 anyos, na parehong mga residente ng Mabuhay Homes, Darangan, Binangonan, Rizal.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, naliligo umano sa ilog sina Ruben Cioseph at magkapatid na Dacumos na sina Gene Heinrich at John Henry nang biglang tangayin ang dalawang biktima ng rumaragasang tubig sa kasagsagan ng masamang panahon.

Nangyari umano ang insidente noon pang Hulyo 19 bandang alas-12 ng tanghali ngunit dahil sa takot, Hulyo 20 na nang sabihin ng 10 taong gulang na si John Henry sa ina nito ang nasabing pangyayari.

BASAHIN  Messenger, Facebook nagka-aberya
Advertisement

Kaagad na iniulat ng ina ng mga biktima ang insidente sa Morong Municipal Police Station na agad namang nakipag-ugnayan sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

Kasama ang mga tauhan ng Barangay Police Security Office (BPSO) at iba pang volunteer responders, isinagawa ang search and retrieval operations para mahanap ang dalawang biktima.

Sa pinakahuling ulat, positibong kinilala ng ina ng biktima si Gene Heinrich Dacumos, 12 anyos na natagpuang wala ng buhay sa ilog ng Tanay umaga ng Lunes, Hulyo 21, 2025.

Pinaghahanap pa rin ang isa pang biktima na si Ruben Cioseph Giray Cubilla habang isinasagawa ang patuloy na imbestigasyon para alamin ang buong detalye sa nasabing insidente.

Advertisement
- Advertisement -
Related news
Latest news
- Advertisement -
Business
- Advertisement -
IN CASE YOU MISSED IT

Employees suffering work-related injuries amid bad weather entitled to compensation

AS severe weather conditions heighten workplace hazards and commuting risks across the country, the Department of Labor and Employment (DOLE) reminded Filipino workers that...

Grupong kontra yosi dismayado sa DA, First Lady

DISMAYADO ang Social Watch Philippines (SWP), isang anti-tobacco advocacy group, kina Unang Ginang Liza Araneta-Marcos at Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. ng Department of...

PRC pledges ₱6.2M humanitarian relief and expert assistance to Nepal

THE Philippine Red Cross (PRC) has committed an initial US$100,000 (approximately ₱6.2 million) in humanitarian aid to assist communities severely impacted by widespread flooding...

Philippines leads regional push for stronger public finance systems for children

THE Philippines has reaffirmed its leadership in advancing child-responsive public financial management by hosting a regional knowledge-sharing exchange aimed at optimizing public resources for...

San Juan City tourism chief crowned most outstanding in the Philippines at ATOP Pearl Awards 2026

SAN JUAN City has cemented its reputation as a burgeoning cultural hub, securing three major accolades at the prestigious Association of Tourism Officers of...

Alternative treatment sa cancer—Robin

“BUKSAN ang kaisipan at maghanap ng alternatibong paggamot sa cancer.” Ito ang panawagan ni Sen. Robinhood "Robin" Padilla nitong Huwebes sa mga duktor, alang-alang sa...
- Advertisement -