- Advertisement -

Disiplina, paggalang ng mga sundalo, dapat tularan – Robin

- Advertisement -
Advertisement

“SA HALIP na mabuhay sa tsismis, matuto sana ang mga pulitiko ng disiplina at
paggalang tulad ng ipinakikita ng Armed Forces of the Philippines.”


Ito ang mensahe ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla sa mga kapwa niya mambabatas
nang siya ay dumalo sa World Hijab Day na ginanap sa Camp Aguinaldo nitong
Pebrero 1.


“Kung sana matututo ang ating mga pulitiko sa AFP na marunong sa paggalang at
pakikiisa, hindi sana tayo nabubuhay sa tsismis. Ang pulitika natin puro tsismis na rin,”
ani Padilla sa kanyang talumpati.


“Ang pag-unlad ng bayan natin, mag-uumpisa sa paggalang at disiplina… Kung makuha
lang natin ang disiplina na ito, darating ang araw [na] tayong mga Pilipino di lang sa
usapin ng hijab kundi lahat na aspeto ng kultura, lengwahe at tradisyon, uunlad tayo,”
dagdag niya.

BASAHIN  Bawas-pensyon ng MUP, dapat sa mga bago lang – Jinggoy
Advertisement


Ipinabatid din ni Padilla sa mga kasundaluhan ang isinusulong niyang panukalang
batas sa Senado para sa paggunita ng National Hijab Day sa bansa tuwing ika-1 ng
Pebrero.


Aniya, natuwa siya nang malamang pinayagan ni AFP chief of staff Gen. Romeo
Brawner Jr. ang kababaihang [Muslim] sa AFP na magsuot ng hijab, kung kaya’t
hiniling niya sa ehekutibo na palakihin ang budget ng AFP para sa mga programa nito
para makuha ang tiwala ng taumbayan, tulad nang pagsusuot ng hijab.


“Hiling natin sa ating mga namumuno sa executive at legislative, mas lakihin pa budget
ninyo hindi lang sa organization kundi sa sinusulong ninyo na ganitong bagay…
winning the hearts and minds of the Filipino people,” aniya pa.

Advertisement
- Advertisement -
Related news
Latest news
- Advertisement -
Business
- Advertisement -
IN CASE YOU MISSED IT

Department head, bilang na ang araw?

Totoo kaya ito? Isa umanong department head (DH) sa city hall ang nanganganib na masibak. Bilang na ang araw ika nga.Bakit kanyo? Hindi na daw...

DOLE chief vows legal fight for Metro Manila’s ₱85 minimum wage hike after court injunction

DEPARTMENT of Labor and Employment (DOLE) Secretary Francis N. Tolentino vowed to continue defending the ₱85 wage increase for minimum wage workers in Metro...

Bilang ng nabubuntis bago at pagkatapos ng pandemya, bumaba

BUMABA ang bilang ng mga nabubuntis kahit pa noong bago at pagkatapos ng pandemya, ayon sa pinakahuling datos na inilabas ng Commission on Population...

TESDA launches national skills competition in Clark to highlight Filipino technical expertise

THE Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) officially opened WorldSkills Philippines Clark 2026 (WSPC2026) on September 7, bringing together the nation’s top young...

Graduate researchers get more time to submit for prestigious KWF Academic Award

THE Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) has officially extended the submission deadline for the 2027 Gawad Julian Cruz Balmaseda to October 30, 2026, at...

We Hope Medical Group to open free chemotherapy center in Valenzuela City

VALENZUELA City residents fighting cancer will soon gain access to free, life-saving care as We Hope Medical Group prepares to open its first Free...
- Advertisement -