Akusasyon ng case-fixing pabor kay Atong Ang itinanggi ng PCSO chair

Advertisement

MARIING itinanggi ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairman at retired judge Felix Reyes ang mga akusasyon laban sa kaniya na sangkot umano siya sa case-fixing para paboran ang negosyante na si Charlie “Atong” Ang.

Ito’y kasunod ng mga pahayag ng whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan, alyas “Totoy” kung saan ibinulgar nito na may nag-aayos umano ng mga kaso ng kaniyang dating amo na isang retiradong judge at nagtatrabaho sa PCSO.

Sa ipinadalang opisyal na pahayag sa media nitong Hulyo 8, 2025, sinabi ni Reyes na “malisyoso” at “walang basehan” ang mga ipinukol sa kaniya partikular na ang akusasyon na may kinalaman umano siya sa mga kaso kaugnay ng nawawala at pinatay na mga sabungero.

“Pinabubulaanan ko ang mga akusasyon ni Ginoong Patidongan. Hinahamon ko siya na tukuyin kung anong kaso ang aking inayos pabor kay Mr. Atong Ang,” ang pahayag ni Reyes. 

“Kung wala siyang maipakitang pruweba, dapat na itikom na lang niya ang kaniyang bibig,” dagdag pa ng retiradong hukom.

BASAHIN  51-K Pasahero sa NAIA, iba pang airports sa bansa

Sa nasabing pahayag, pinayagan ni Reyes ang Bureau of Immigration (BI) na isiwalat sa publiko ang rekord ng lahat ng kanyang biyahe sa ibang bansa mula nang magretiro ito bilang judge noong Oktubre 1, 2021, hanggang sa kasalukuyan.

Advertisement

“Ito’y para lang mapatunayan na wala akong anumang naging lakad na kasama ang mga prosecutor o mga judges para sa umano’y case-fixing,” giit pa ni Reyes.

Kaduda-duda rin ani Reyes ang timing ng akusasyon laban sa kaniya kung saan inilabas ito isang araw matapos siyang magsumite ng aplikasyon para sa posisyon bilang Ombudsman, na ayon sa kaniya ay parang hindi nagkataon lamang.

Tiniyak din ni Reyes na para linawin ang isyu, handa siyang makipagtulungan sa mga awtoridad sa anumang gagawing imbestigasyon upang mapangalagaan ang integridad ng hudikatura at prosekusyon.

Matatandaan na lumitaw ang mga akusasyong ito laban kay Reyes habang patuloy na iniimbestigahan ang kaso ng mga nawawalang sabungero, na hanggang ngayon ay hindi pa nareresolba kung sino ang dumukot at nagpapatay sa mga ito.

Advertisement

LATEST STORIES

Grid operator places Visayas, Mindanao under power alerts as plant outages mount

THE National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) placed the Visayas and Mindanao grids under red and yellow alerts on Friday as widespread power...

Meralco cuts electricity rates for second straight month in September

CUSTOMERS of the Manila Electric Company (Meralco) will see a second consecutive month of rate relief, with the utility announcing a reduction of ₱0.0409...

Human chain delivers lifeline water across damaged Zambales crossing

DISRUPTED infrastructure and damaged water sources failed to stop relief operations in Barangay Sta. Fe, San Marcelino town as humanitarian workers and local residents...

Mayor Robredo rallies 11,000-strong security force for Peñafrancia festivities

AROUND 11,000 security personnel, government responders, and volunteer groups assembled at the Minor Basilica and National Shrine of Our Lady of Peñafrancia on Thursday,...

MMDA converts former Carmona landfill into green space and disaster training hub

IN a major push toward urban resilience and environmental sustainability, the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) has officially transformed a former sanitary landfill into...

Speaker Romualdez ang nagpopondo ng PI — Imee; SP Zubiri, ‘toxic’? — Romualdez

IBINUNYAG ni Senador Imee Marcos kamakailan na ang tanggapan ni Speaker MartinRomualdez ang nasa likod nang pagbibigay ng ₱20 milyon bawat congressional districtpara sa...