33.4 C
Manila
Saturday, July 12, 2025

Siklista dedo matapos masagasaan ng SUV

PATAY on-the-spot ang isang bicycle rider matapos masagasaan ng kasunod na SUV sa eastbound lane ng Shaw Boulevard, Brgy. Kapitolyo, Pasig City, kahapon, Hunyo 24, 2025 dakong alas 3:20 ng hapon.

Ayon sa ulat na natanggap ni PCol. Hendrix Mangaldan, chief of police ng Pasig City, kinilala ang biktima na si alyas “Raffy,” 36, residente ng Brgy. San Andres, Cainta, Rizal.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Pasig PNP, isang Suzuki Carry ang umano’y ilegal na nakaparada na magbababa ng mga galon ng tubig kung saan bigla na lamang bumukas ang pintuan nito sa likod (tailgate) at sinakop nito ang bike lane.

Dahil dito, tinamaan ang kanang bahagi ng bisikleta at tumumba sa lane ng mga sasakyan ang biktima na siya namang parating ang isang Mitsubishi Montero Sport kung kaya nasagasaan nito si alyas “Raffy.”

BASAHIN  Top 3 most wanted at rapist ng bata arestado sa Pasig

Kapansin-pansin na sa ibang ulat na kumakalat online, umiwas umano ang siklista dahil sinakop na ng Suzuki Carry ang bike lane at lumipat ito sa outer lane kung kaya nasagasaan ito ng kasunod na humaharurot na SUV.

Inaresto ng mga pulis ang 39-anyos na lalaking driver ng Asian utility vehicle (AUV) na residente ng Brgy. Buting at isa pang 59-anyos na lalaking driver ng sports utility vehicle (SUV) na residente naman ng Brgy. Pinagbuhatan kapuwa ng Pasig City.

Kasalukuyang nasa custodial facility ng Pasig City Police Station ang dalawa at sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property sa Pasig City Prosecutor’s Office.

BASAHIN  Mekaniko huli sa rape ng menor-de-edad na pinsan sa Pasig

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

818,000FansLike
50FollowersFollow
93,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA