Abalos inindorso ni Robredo

Share

ININDORSO ni former vice president Leni Robredo at hinimok ang mga kababayan nito sa Naga City na suportahan ang kandidatura ni former DILG secretary Benhur Abalos sa senado.

“Matagal na po natin siyang kaibigan, naging mayor siya ng Mandaluyong nang matagal na panahon, naging DILG Secretary po siya—isang napakagaling na DILG Secretary—at naging MMDA Chairman. Ngayon ay tumatakbo siyang senador,” ani Robredo sa salitang Bicol.

“Nung Bagyong Kristine, pabalik-balik siyang nagtatabang, ano lang pati, silencio lang na nagtatabang,” dagdag pa ng dating bise presidente.

(“Noong Bagyong Kristine, paulit-ulit siyang bumalik para tumulong. Tahimik lang siya pero laging nandiyan.”)

“Tatabangan naman ini pagka sa kanya. Bobotohan natin siya pagka-senador,” aniya pa.

(“Tutulungan natin siya sa kanyang kandidatura. Iboboto natin siya bilang senador.”)

“Kaya kapag siya ay naging senador, siguradong tutulungan niya tayo. Kaya tayo rin, tulungan natin siya,” dagdag ni Robredo.

Ginawa ni Robredo ang pag-eendorso noong ika-23 ng Abril—araw ng kanyang kaarawan—nang dumalaw sa kaniya si Abalos sa Naga City.

Parehong nagsilbi si Abalos at ang yumaong asawa ni Robredo na si Jesse Robredo—isang Ramon Magsaysay Awardee—bilang mga alkalde at naging kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Noong nakaraang buwan, bumisita si Robredo sa Mandaluyong Cemetery of Life—isang pampublikong proyekto na pinangunahan ni Abalos. Hinangaan ito ni Robredo at sinabi niyang nais niyang ipatupad ang ganitong makatao at makabuluhang proyekto sa Naga.

BASAHIN  ‘LottoMatik’ PoS device inanunsyo ng PCSO

Bilang tugon, taos-pusong nagpasalamat si Abalos at nangakong dadalhin niya ang mga adhikain ng mga Bicolano sa Senado.

Inilahad niya ang kanyang mahaba at malawak na karanasan sa serbisyo publiko: mula sa paghubog ng Mandaluyong bilang isang “Economic Tiger City,” hanggang sa pagpapatupad ng Project TEACH para sa mga batang may kapansanan—na kinilala ng United Nations—at pagsulong ng in-city housing para sa mahihirap, pati na rin ang pagtatayo ng isang makabago at may dignidad na pampublikong sementeryo.

Bilang MMDA Chairman noong pandemya, pinangunahan niya ang koordinasyon ng mga health protocol sa buong Metro Manila. Bilang DILG Secretary, sinimulan niya ang mga reporma sa hanay ng pulisya at pinangunahan ang paghuli sa ilang high-profile na pugante.

Inilahad din niya ang mga pangunahing panukalang isusulong sa Senado: ang pagtanggal ng VAT sa kuryente, pag-amyenda sa Rice Tariffication Law para protektahan ang mga magsasaka, pagtutol sa desisyon ng Korte Suprema na nagpapahintulot sa commercial fishing sa loob ng 15-kilometrong municipal waters, at pag-amyenda sa Local Government Code of 1991, at iba pa.

“Suriin nating mabuti ang ating mga kandidato. Sa kanilang mga kamay nakasalalay ang ating bansa sa susunod na anim na taon. Suriin, tingnan nating mabuti ang kanilang mga accomplishments at mga plataporma,” pagtatapos ni Abalos.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...

₱6.75-B benta ng Sky Cable sa PLDT, kanselado

MATAPOS magkasundo na hindi na itutuloy ang transaksyon, hindi na ibebenta ng ABS-CBN Corp. ang Sky Cable Corp. pati na broadband business nito sa...