Con-con forum, patuloy na isinusulong ni dating anti-corruption czar Greco Belgica

Share

ISINUSULONG pa rin ng dating Presidential Anti-Corruption Commission ( PACC) chairperson Greco Belgia ang pagdalo sa ‘Con-con’ o Constitutional Convention  upang mapag-usapan ang lahat ng suliranin ng bansa, kasama na ang korapsyon at pagka-di pantay-pantay na pangunahing kinakaharap ng mga Pilipino ngayon.

Noong Miyerkules, sa pangalawang episode ng Kapihan sa Metro East media forum, isinaad ni Belgica ang mga anomalya o korapsyon na siya mismo ang naka-saki noong siya ay nanunungkulan pa bilang konsehal ng Maynila..

“Nakita ko mismo, sarili kong mga mata, kung paano peke-in at dayain ang mga kontrata para pumabor lamang sa mga mayroong koneksyon sa politika,” pahayag ng dating PACC chairperson. 

Dagdag pa niya, na sa kabila ng sinasabi ng gobyerno na kumpleto ang 5,500 flood control projects, hindi naman maituturing na tagumpay sapagkat kinabukasan ay nagbaha rin kaagad.

Patunay lamang aniya na hindi epektibo ang konstitusyon at kung paano nagsilbing buhay na ebidensya ang mga nangyaring sakuna sa bansa, katulad na lamang ng mga nagdaang bagyo at baha na naminsala sa libo-libong Pilipino.

“Diyos na ang nagpapakita kung gaano ka-depektibo ang sinasabi nilang flood control projects. Sa nagdaan na lamang na super typhoon Carina at habagat na nagdulot ng malawakang pagbaha, pagguho ng mga lupa, at pagkasira ng mga pananim, ‘yon ay isa nang patunay,” paliwanag pa niya.

BASAHIN  Belgica nanawagan ng Con-Con forum

Nanindigan pa si Belgica na ang Konstitusyon ng 1987 ay maaari pang amyendahan gamit ang mga boto ng taong-bayan.

Mabubuksan aniya ang mga usapin ukol sa mga isyu ng land reform at economic opportunities, sa pamamagitan ng pagdalo ng mga opisyal ng LGU, religious groups, at iba pang sektor sa Constitutional Convention para masimulan na ito..

“Political power will always redound to economic power. Dati, mayroon lamang tayong isang diktator na may kapangyarihan sa bawat indibidwal, ngunit sa kasalukuyan, napakarami ang namumuno na tila nakikisawsaw at umaabuso sa pera ng bayan at kapangyarihan,” diin ni Belgica.

Naniniwala ang dating PACC chairperson na magsusulong at magsisiklab ang constitutional convention o ‘ConCon’ ng mga malawakang debate, dahil ito ay nangangailangan ng bukas na kaisipan mula sa lahat ng sambayanang Pilipino para sa pagbabago at pag-amyenda ng konstitusyon.

IBA PANG BALITA

Pangilinan calls for national flood plan, audit of billions in flood-control funds

SENATOR Francis “Kiko” Pangilinan is urging the national government to develop a comprehensive, science-based flood management plan and demanded a full accounting of public...

Marcos orders rapid response as southwest monsoon bares heavy rains, suspends on-site work and classes

PRESIDENT Ferdinand Marcos Jr. convened a high-level situation briefing with key Cabinet officials at Malacañang Palace on Monday morning to evaluate the widespread damage...

San Juan City reports reduced flooding impact following heavy southwest monsoon rains

RECENT heavy rainfall driven by the southwest monsoon (habagat) from August 5 to August 9 brought minimal flooding to San Juan City, showcasing early...

Marikina deploys high-capacity mobile pumps to drain floodwaters in Malanday and Tumana

MOVING swiftly to protect vulnerable communities from rising floodwaters, the Marikina City local government unit (LGU) deployed high-capacity mobile booster flood pumps to Barangays...

DepEd activates emergency measures as Habagat rains disrupt classes nationwide

THE Department of Education (DepEd) has activated its emergency learning measures following heavy rains brought by the Southwest Monsoon (Habagat), which caused widespread class...

Cayetano: ‘Napaglalaruan tayo’

“NAPAGLALARUAN tayo and I am fed up with being played around with.” Ito ang mariing sinabi ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano kaugnay sa...