Mandaluyong public learners, panalo sa ipinamahaging 1,000 Smart-LED TVs

Advertisement

PANALO na naman ang mga mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Mandaluyong sa ipinamahaging 1,000 Smart-LED TVs na proyekto ng pamahalaang lungsod.

Ayon kay Mayor Ben Abalos, karagdagan ito sa nauna nang naipamahagi na 578 taong 2022 sa kasagsagan ng pandemya sa ilalim ng panunungkulan ni Mayor at ngayo’y Vice Mayor Menchie Abalos.

Layunin ng proyektong ito na maging moderno na o high-tech ang edukasyon sa pampublikong mga eskuwelahan sa lungsod bilang pagtalima sa isinusulong na “Matatag Agenda” ng Department of Education (DepEd).

Bawat silid aralan sa mga pampublikong paaralan sa Mandaluyong ngayon ay mayroon nang magagamit na Smart-LED TV.

“Lumalabas na lahat ng 1,578 silid-aralan sa buong Schools Division Office (SDO) ng Mandaluyong City ay may sarili ng Smart-LED TV dahil yon din ang bilang ng classrooms sa buong SDO,” ang pahayag ni Vice Mayor Menchie.

Tiniyak naman ni Mayor Ben na kaisa ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong sa layunin ng DepEd na paigtingin pa ang sistema ng edukasyon sa mga pampublikong paaralan.

BASAHIN  LGU auditors hinimok ng dating audit chief na gawing price reference ang presyo ng mga electric minibus na binili ng Pasig City
Advertisement

Nagpasalamat naman ang Mandaluyong SDO dahil anila, ang paggamit ng mga Smart-LED TV ay makatutulong sa iba’t ibang aspeto sa pag-aaral ng mga estudyante pati na rin sa makabago at mas epektibong pagtuturo ng mga guro.

Sinabi pa ni Mayor Abalos na nais niyang mapanatili ang pagiging number 1 ng SDO Mandaluyong sa buong bansa kaya’t patuloy ang pamahalaang lungsod sa paglaan ng mga makabagong kagamitan sa pagtuturo.

“Wala ako sa kinatatayuan ko ngayon kung hindi dahil sa edukasyon. Kaya’t ibinabalik ko ito sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila (SDO) ng lahat ng paraan upang ang lahat ng ating mga bata ay madaling matuto at makatapos nang maayos,” ayon pa kay Mayor Ben.

Advertisement

LATEST STORIES

Grid operator places Visayas, Mindanao under power alerts as plant outages mount

THE National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) placed the Visayas and Mindanao grids under red and yellow alerts on Friday as widespread power...

Meralco cuts electricity rates for second straight month in September

CUSTOMERS of the Manila Electric Company (Meralco) will see a second consecutive month of rate relief, with the utility announcing a reduction of ₱0.0409...

Human chain delivers lifeline water across damaged Zambales crossing

DISRUPTED infrastructure and damaged water sources failed to stop relief operations in Barangay Sta. Fe, San Marcelino town as humanitarian workers and local residents...

Mayor Robredo rallies 11,000-strong security force for Peñafrancia festivities

AROUND 11,000 security personnel, government responders, and volunteer groups assembled at the Minor Basilica and National Shrine of Our Lady of Peñafrancia on Thursday,...

MMDA converts former Carmona landfill into green space and disaster training hub

IN a major push toward urban resilience and environmental sustainability, the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) has officially transformed a former sanitary landfill into...

1,000 Kaso nang sex abuse ng mga paring Katoliko, inilantad

INILANTAD nitong Martes, ang mahigit 1,000 kasi nang pang-aabusong seksuwal ng mga paringKatoliko sa Switzerland, magmula sa kalagitnaan ng ika-20 siglo. Naging paksa ng 12-buwang...