24-oras police ops ng Rizal PNP, 8 huli sa droga

Share

ARESTADO ang walong drug personalities at nakumpiska ang humigit kumulang 100.69 gramo ng shabu at pitong gramo ng marijuana na may kabuuang halaga na aabot  sa ₱685,532.00 matapos ang ikinasang 24-oras na anti-illegal drug pperations ng Rizal PNP.

Sa report mula sa tanggapan ni Police Colonel Felipe B Maraggun, Provincial Director ng Rizal PNP,  sa nagdaang 24-oras, 7 operasyon ang naitala laban sa iligal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto ng walong personalidad at makumpiska ang nasa ₱685-K halaga ng illegal na droga.

Ayon kay Col. Maraggun,  malaking bahagi ang paglulunsad ng progam “Patrulya ng Bayan,” kung saan katuwang ng kapulisan ang pamayanan upang sugpuin ang kriminalidad na nagresulta sa mga matagumpay na operasyon sa probinsiya. 

BASAHIN  2 drug user kalaboso sa pagbenta ng shabu sa pulis sa Navotas

Ang mga naarestong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng kanya-kanyang operating units habang ang mga nasabat na ebidensiya ay isusumite sa Rizal Forensic Unit para sa Evidence Examination.

Kasalukuyan namang inihahanda  ang kaukulang dokumentasyon para sa isasampang mga kaso laban sa suspek na paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.”

IBA PANG BALITA

Tulong para sa mga nasalanta ng lindol sa Mindanao ikinasa ng PCSO

BILANG pagtalima sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kumilos agad ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at ang Authorized Agent Corporations (AACs) upang...

Agarang safety checks, emergency support sa 6K eskuwelahan sa Mindanao na apektado ng lindol iniutos ni Angara

INIUTOS ni Education Secretary Sonny Angara ang agarang mobilisasyon ng safety checks at emergency support sa mga apektadong paaralan sa Mindanao kasunod ng naganap...

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

OEC ng OFWs, gawing libre – Marcos

NAIS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawing libre ang OEC o Overseas EmploymentCertificate para sa mga paalis na Overseas Filipino Workers (OFWs). Sinabi...