280,000 trucks, ni-recall ng Toyota

Share

LABIS na naaalarma ngayon ang mga may-ari ng 4.2 milyong units ng Toyota cars sa United States dahil sa problema sa transmission.

Matatandaang ini-recall kamakailan ng Toyota ang 280,000 pickup trucks dahil sa problema sa transmission—umaandar ito kahit naka-neutral.

Kasama sa recall ang 2022 To Toyota Tundra pickups, Lexux LX 600, pati na 2023 at 2024 Toyota Sequoia SUVs, ayon sa ulat ng Associated Press.

Ang isyu ang tungkol sa ilang bahagi ng transmission na hindi nadidis-engage kahit naka-neutral ang sasakyan, na nagpapangyaring umandar ito.

Ang problema ay maaaring matuloy sa aksidente, ayon sa Toyota. Nangako ang dealers ng Toyota at Lexus ng update ng transmission software, nang libre.

BASAHIN  Help Desk ng IPOPHL pinasinayaan sa VMall

Samantala, umabot sa 6.3 milyong units ng Honda ang naapektuhan ng recall noong 2023, kasunod ang Ford, 6.1 milyon, at Kia, 3.1 milyon, ayon sa US National highway Traffic Safety Administration.

Wala pang nai-report na problema sa mga Toyota, Ford, at Kia units na naibenta sa Pilipinas.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...

1,084 na PUV, hanggang Enero 14 na lang

Binigyan ng special permit ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 1,080 public utility vehicles na mag-operate hanggang Enero 14, 2024 lamang. Ito ang opisyal...