33.4 C
Manila
Friday, July 5, 2024

Ingratang models#!?! — Pinoy designer

HINDI ma-keri ng sikat na Pinoy fashion designer na si Michael Cinco ang pangdi-dema noon sa mga likha niya ng ilang baguhang Pinay models sa Milan Fashion Week (MFW) kamakailan.

Ang tinutukoy kaya niyang mga ingrata ay sina Pia Wurtzbach at Sofia Andres?

Matatandaang madalas na gawan ng super-ganda art world-class na gowns si Pia, lalo na nang nanalo itong Miss Universe noong 2015. Pero ngayon ay rumampa siya sa MFW sa Italy, at super-duper din ang dami ng post niya, para ipromote ang foreign designer. Ganito rin ang naging ugali ng aktres at social
media influencer na si Sofia kapag dumadalo siya sa ilang events.

BASAHIN  Sandara, namigay ng isang milyong cash

“When a Filipino influencers or a celebrity is wearing a certain international brand they will proudly flaunt and promote the brand in capital letters and tag the brand 100 times, write all the available hashtags in IG as the brand will notice their posts,” ani Cinco.

Inabwelto ni Cinco si Heart Evangelista dahil hindi naman ito kasama sa MFW. Pero hindi sa mga netizen, dahil gumastos pa si Heart ng libo-libong dolyar para sa kanyang wedding gown na ginawa pa ng isang sikat na European fashion designer, samantalang maraming mahuhusay na Pinoy designers ang gumagawa ng gowns maski na sa foreign Miss Universe candidates, pati na Hollywood celebrities.

BASAHIN  Kris Aquino, pauuwiin na si Bimby para magtrabaho

Tila raw walang bilib si Heart sa mga katulad ni Cinco, ayon pa sa isang netizen.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA