Top 7 wanted ng Pasig nasakote

Share

NASAKOTE ng Pasig City Police Station ang kinikilalang Top 7 Most Wanted Person matapos ang ikinasang intensified manhunt operation, kamakalawa sa Barangay Rosario. 

Sa report na nakalap mula sa tanggapan ni Pasig Police Chief PCol. Celerino Sacro, Jr., nakilala ang suspek na si alyas “Jose”, 55-anyos, residente ng Brgy. Rosario, Pasig City.

Inaresto ang suspek sa kahabaan ng Bernal Street cor. Dr. Sixto Avenue, Barangay Rosario, Pasig bandang 9:40 ng umaga matapos ihain ang warrant of arrest ng mga tauhan ng Pasig CPS Follow-Up Section, Warrant and Subpoena Section sa ikinasang manhunt operation.

Mula sa warrant of arrest na inisyu ni Hon. Annielyn Medes-Cabeles, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 167, Pasig City sa kasong paglabag sa R.A. No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na may petsang March 03, 2021 at nilatagan ng bail na P200,000.00.

BASAHIN  DA, Pasig LGU, tumanggap ng award mula sa KWF

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Pasig custodial facility habang inihahanda ang pagdinig sa kaso.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...

Marikina LGU pinarangalan sa HR management

BINIGYAN ng komendasyon ng Civil Service Commission (CSC) ang lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Marikina dahil sa kahusayan sa pangangasiwa sa mga kawani...