MAG-HIRE NG 30K GURO, ₱100-B CLASSROOM BAWAT TAON

Kahilingan ng ACT, mapanlinlang—VP Sara

Share

ISANG mapanlinlang na taktika ang ginagawa ng grupong Alliance of Concerned Teachers (ACT) at dinisenyo upang ilihis ang mga tao sa ginagawang tunay na solusyon ng gobyerno sa larangan ng edukasyon.

Ito ang tinuran ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte, matapos ihayag ng nasabing grupo ang kanilang kahilingan na dapat anila’y mag-hire ang Department of Education (DepEd) ng 30,000 pampublikong mga guro at maglaan ng ₱100 bilyon para sa mga silid-aralan bawat taon.

“Ang kanilang panawagan ay hindi kakikitaan ng tunay na pagmamalasakit sa ating mga mag-aaral at kapakanan ng ating mga guro, sa halip, ito ay nagpapakita na iba ang kanilang motibo at inilalagay sa alanganin ang pamahalaan,” giit ni Duterte.

“Itinaon pa nila ang nasabing panawagan matapos mangyari ang kaguluhan sa Masbate na pinangunahan ng mga New People’s Army (NPA) kung saan mahigit sa 55,000 mag-aaral at 2,815 school personnel ang naapektuhan,” dagdag pa ng Pangalawang Pangulo.

Sinabi pa ni Duterte na maliban sa tikom ang bibig nito sa ginawang terorismo ng NPA, inililihis pa ng grupo ang publiko upang makalimutan ang nasabing pangyayari kamakailan lang sa Masbate.

BASAHIN  Abril ng bawat taon, balak gawing “Basketball month”

“Para sa kaalaman ng publiko, ang Kagawaran ay may planong kumuha ng 9,650 karagdagang mga guro sa taong ito at tuloy-tuloy ang hiring pati ng mga non-teaching personnel bilang bahagi ng Basic Education Learning Recovery Plan,” ayon pa kay Duterte.

Hindi aniya makatotohanan at imposible ang hinihiling ng ACT matapos bigyang diin ng grupo na may inihain nang bill sa kongreso noon pang 2013 na nagtatakda na may 35 lamang na estduyante bawat silid aralan bilang pamantayan.

Ayon kay Vladimir Quetua, chairperson ng ACT, kulang aniya ng 147,000 mga guro upang mai-akma sa pamantayang 35 estudyante bawat classroom upang matiyak na makapagturo ng epektibo ang mga guro at madaling masubaybayan ang pagsulong ng mga mag-aaral.

Idinagdag pa ni Quetua na hindi na aniya bago ang programang ito ng pagkuha ng karagdagang mga guro. “Kailangan nating kumuha ng 25,000 bagong mga guro hanggang 2028 at 5,000 pa para punan ang pagtaas ng enrolment bawat taon, kaya sakto lang ang 30,000 sa kahilingan,” saad pa ni Quetta.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...

Pagpapatakbo ng flood control ipaubaya na sa LGU—Isko

NANANAWAGAN si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na ilipat na sa mga lokal na pamahalaan ang pagpapatakbo at pagmamantini ng mga flood control...