Nagpanggap na Feng Shui expert na wanted sa pagnanakaw at estafa, arestado

Share

Arestado ang isang nagpakilalang Feng Shui expert na nangulimbat umano ng milyon-milyong halaga ng alahas at pera mula sa mga hinuhulaang biktima.

Kinilala ang suspek na si Ivan Borromeo Alyas Celine, residente ng Fernandina 88 Suite, 801 P. Tuazon St., Brgy Socorro, Quezon City.

Nabatid na modus na ng suspek na mangpanggap bilang Feng Shui expert at kung minsan ay nanghuhula na malayo sa katotohanan ang mga hula nito at mula pa noong 2015 ay marami nang mga naloloko at nagrereklamo laban sa suspek, kung saan umabot na umano sa mahigit ₱50 milyong piso ang natangay nito.

Kinasuhan ng 2 counts ng Estafa si Borromeo matapos maaresto ng mga tauhan ng DSOU-QCPD sa pamamagitan ng isinilbing warrant arrest.

BASAHIN  Pasko sa Quezon City, generally peaceful

Halos dalawang linggo din minanmanan ng mga otoridad ang suspek na nagpalipat-lipat ng condominium.

Samantala, mariin namang itinanggi ng suspek ang mga akusasyon laban sa kanya.

IBA PANG BALITA

Agarang safety checks, emergency support sa 6K eskuwelahan sa Mindanao na apektado ng lindol iniutos ni Angara

INIUTOS ni Education Secretary Sonny Angara ang agarang mobilisasyon ng safety checks at emergency support sa mga apektadong paaralan sa Mindanao kasunod ng naganap...

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

8 katao tiklo sa walang humpay na anti-drug ops sa Pasig

WALO katao ang nahuli ng mga otoridad sa isinagawang anti-illegal drug operations sa iba’t ibang lugar sa Pasig City Lunes ng gabi. Unang nahuli si...