NBI, GCash sanib-pwersa vs online scams

Share

Nagsanib pwersa ang National Bureau of Investigation at e-wallet firm na GCash upang imbestigahan ang mga naglipanang online scams.

Sa pamamagitan ito ng isang Memorandum of Agreement, kung saan magbabahagi rin ng mga impormasyon at datos ang magkabilang panig kaugnay sa cybercrime trends upang mapigilan ang mga ito.

Binigyang diin ni NBI Director Medardo de Lemos na mahalaga ang pakikipagtulungan sa  financial technology firms upang imbestigahan ang mga cybercrime, kung saan karamihan sa mga apektado ay e-wallet accounts.

Iginiit naman ni Ren-Ren Reyes, Pangulo at CEO ng G-Xchange Inc., na ang naturang partnership ang magpapabilis sa imbestigasyon sa mga krimen na may kinalaman sa GCash accounts.

BASAHIN  MMDA nag-sorry sa dating mambabatas na nadawit rin sa EDSA bus lane violation

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...

Number coding scheme, suspendido sa Pasko at Bagong Taon

Suspendido ang expanded number coding scheme sa araw ng Pasko, December 25, at 26, gayundin sa Bagong Taon, January 1, 2024, bilang official national...