MMFF, patuloy na dinudumog ng movie fans

Advertisement

Aliw na aliw at tuwang-tuwa!


Ito ang makikita sa mukha ng maraming movie fans habang lumalabas sila sa mga sinehan, matapos makapanood ng mga pelikula sa kasalukuyang Metro Manila Film Festival (MMFF).


Labis daw naka-relate ang isang single mother matapos niyang mapanood ang kanyang idol na si Sharon Cuneta sa pelikulang “A Family of Two”, with Alden Richards.


Umani rin nang papuri mula sa mga manonood ang pelikulang “Firefly”, lalo na sa kabataan.


Hindi lamang laksa-laksang fans ang natuwa sa kakaibang entries ngayon sa MMFF, pati na
rin ang Metro Manila Development Authority (MMDA) dahil mas marami ang tumangkilik
ngayon ng festival, kumpara noong 2022.


Sinabi ni MMDA Chair Don Artes, “Bukod sa mahahabang pila sa mga sinehan simula pa
noong Disyembre 25, mas Malaki ang kinita sa unang araw ng festival ngayong taon kumpara sa bentahan ng ticket sa unang araw noong 2022.”

BASAHIN  Psycho test bago kumuha ng driver’s license; Dapat neuro-psychiatric test din?
Advertisement


“Nagpapatunay daw ito na ang bawat [isa sa] 10 film entry ay kahanga-hanga at tunay na de-kaledad. Tunay na bumalik na ang sigla ng publiko sa panonood sa mga sinehan,” dagdag ni Artes.


Nagbabala si Artes laban sa fake news na kumakalat sa Internet na nagpapakita ng kinita ng bawat pelikula.


Wala raw anumang inilalabas ang MMFF na ranking o kinita ng bawat pelikula para maiwasan na maapektuhan o maimpluwensyahan ang desisyon ng mga manonood.


Nais daw ng pamunuan ng MMFF na makapagbigay nang pantay na exposure, spotlight, at
suporta sa bawat isa sa sampung pelikula.

Advertisement

LATEST STORIES

Grid operator places Visayas, Mindanao under power alerts as plant outages mount

THE National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) placed the Visayas and Mindanao grids under red and yellow alerts on Friday as widespread power...

Meralco cuts electricity rates for second straight month in September

CUSTOMERS of the Manila Electric Company (Meralco) will see a second consecutive month of rate relief, with the utility announcing a reduction of ₱0.0409...

Human chain delivers lifeline water across damaged Zambales crossing

DISRUPTED infrastructure and damaged water sources failed to stop relief operations in Barangay Sta. Fe, San Marcelino town as humanitarian workers and local residents...

Mayor Robredo rallies 11,000-strong security force for Peñafrancia festivities

AROUND 11,000 security personnel, government responders, and volunteer groups assembled at the Minor Basilica and National Shrine of Our Lady of Peñafrancia on Thursday,...

MMDA converts former Carmona landfill into green space and disaster training hub

IN a major push toward urban resilience and environmental sustainability, the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) has officially transformed a former sanitary landfill into...

Pagtugon sa nararanasang init sa loob ng mga silid-aralan, pinatitiyak

Umapela si ACT Teachers party-list Rep. France Castro sa Department of Education (DepEd) na maglatag ng mga hakbang upang mabawasan ang epekto ng El...