HomeEntertainmentComedian Joey Paras, pumanaw...

Comedian Joey Paras, pumanaw na; mga artistang senador, tutulong kaya?

PUMANAW na ang komendyante at former Sunday PinaSaya star at bida sa pelikulang
Bekikang na si Joey Paras sa edad na 45.

Hindi sinabi ang sanhi ng kanyang pagpanaw. Ayon sa Pep.ph ito’y nai-post ng kanyang pamangkin na si Zciara Shyne Sinchon-Fabian sa Facebook kahapon, Oktubre 29.

Ayon kay Zciara, “To all of our family and friends, we are saddened to announce that our Tito Joey Paras passed away and joined our Creator this afternoon, October 29, 2023.”

Ayon pa sa report, nasa morge pa ang mga labi ni Joey, at may problema pa sila sa malaking hospital bill, para maiuwi at maiburol si Joey.

Nanawagan ng tulong si Zciara sa ka kanilang mga kamag-anak at maging sa mga taga-showbiz industry ng tulong para mabayaran nang buo ang hospital bill.

BASAHIN  Beteranang aktres na si Jaclyn Jose, namaalam na


Pwedeng magpadala ng tulong sa GCash: Rossette C. (09664522958), at Zciara Shyne Fabian (09053414847).

Sinabi ng ilang netizens na dapat kumilos kaagad sina Senators Ramon Revilla Jr., Lito Lapid, Jinggoy |Estrada at Robin Padilla para matulungan ang pamilya ni Joey na mabayaran ang pagkakautang sa ospital.

Maraming dokumento ang kailangang bago ang isang senador o ahensya ng gobyerno ay makapagbigay ng tulong, kaya kailangang daw ang agarang tulong mula sa mga nabanggit, na hindi muna hinihingi ang documentary requirements, para mailabas agad ng ospital si Joey.

Lubos pong nakikiramay ang BraboNews sa mga naulila ni Joey.

BALITANG NASYUNAL

spot_img

METRO MANILA

BALITANG PROBINSYA

POLICE REPORT

IBA PANG MGA BALITA