Grade 12 student arestado sa pagnanakaw  ng palaman

Share

Kulong ang isang Grade 12 na lalaking estudyante matapos  magpuslit ng palaman palabas sa isang malaking supermarket Huwebes sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

Sa tinanggap na ulat ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, napansin na ng security officer na si Glen Mark Royo ang kahina-hinalang ikinikilos ng suspek na si alyas “Rey”, 26, habang binabalik-balikan at sinusuri ang presyo ng Nutella chocolate spread hanggang dumampot siya ng dalawang bote at pasimpleng itinago saka lumabas ng Robinsons Supermarket Town Mall sa Brgy. Tinajeros, bandang 5:10 kamakalawa ng hapon.

Dito na siya unaresto ng mga security officer at isinuko sa mobile ng Malabon Police Sub-Station 2 na nagpapatrulya sa labas ng malaking mall.

BASAHIN  54K halaga ng shabu nasabat sa isang babae sa Sto. Tomas, Pasig

Nabawi sa suspek ang dalawang botelya ng tsokolateng palaman na may kabuuang halagang P951.00 na kanyang ikinubli sa supermarket.

Kasong Shoplifting ang isasampa laban sa suspek batay sa inihaing reklamo ng Robinsons Supermarket Town Mall na kinakatawan ni Christine Dorol, Admin Officer.

IBA PANG BALITA

Agarang safety checks, emergency support sa 6K eskuwelahan sa Mindanao na apektado ng lindol iniutos ni Angara

INIUTOS ni Education Secretary Sonny Angara ang agarang mobilisasyon ng safety checks at emergency support sa mga apektadong paaralan sa Mindanao kasunod ng naganap...

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

Magsaysay, bakit hindi inilibing sa Libingan ng mga Bayani?

SI PANGULONG Ramon “Moching” Magsaysay, ang bayaning hindi inilibing sa Libingan ng mga Bayani (LmB). Nagsilbi siya bilang ikapitong Pangulo ng bansa magmula Disyembre 30,...