NWT Bible: Dagdag na 3 wika sa braille

Advertisement

MAHIGIT sa 100 milyong kopya ng Bibliyang New World Translation (NWT) ang naipamahagi na sa buong mundo sa 219 na wika, kasali ang Braille at audio book.

Ayon sa www.jw.org, nitong mga nakaraang buwan, ini-release ng mga Saksi ni Jehova sa tatlong wika ang Braille version ng New World Translation: German, Korean, at Ukrainian.

Ang kopyang Braille sa wikang Korean at Ukrainian NWT ay mababasa gamit ang Braille transcription machines na Notetakers. Samantalang ang German Braille, gamit ang screen reader.

Pwedeng i-download nang libre ang electronic files ng NWT mula sa www.jw.org. Available rin ito sa Tagalog, Cebuano, Iloko, Hiligaynon, Pangasinense at iba pang lokal na wika.

Ang website ng mga Saksi ni Jehovah na www.jw.org ay naisalin na sa 1,088 na wika–ito ang number one sa buong mundo.

Kasali rito ang ating wika na Maguindanaoan, mga katutubong wika sa Africa na ginagamit lang ng ilang libong tao, sa South at Central America, pati na wika ng mga katutubong Indian sa America, Canada, at iba pang panig ng kontinente.

Samantala, ang mahirap na proseso nang paglikha ng Bibliya sa Braille ay kinapapalooban ng pagsasalin ng nasusulat na salita, gamit ang NWT’s malawak na materyal sa Braille.

Ang visual aids kagaya ng mapa at diagrams ay ikinukumberte sa format na maiintindihan ng mga bulag.

BASAHIN  Insidente ng krimen, bumaba sa 67% ngayong Kapaskuhan
Advertisement

Lahat ng Bibliya ng mga Saksi na nasa Braille ay inililimbag sa Wallkill, New York, U.S.A., gamit ang Braille embosser.

Ito ay ibinibigay nang libre–pati na hard copy sa ibang format at wika–sa mga interesadong tao na nais makipag-aral ng Bibliya sa kanila.

Nag-i-emboss ang makinang ito ng Braille dots sa espesyal na papel, na binubuo sa mga bolyum at ipinapamahagi sa mga sangay sa buong mundo.

Magmula nang naimbento ng isang bulag–ang French teacher na si Louis Braille ang Sistema nang pagbabasa gamit ang Braille System noong 1824, labis na nakinabang ang blind community sa buong mundo.

Isa na rito ang Amerikanang si Helen Keller (1880-1936) isang bulag at pipi na nakapag-aral ng Braille.

Nakapagtapos siya bilang cum laude sa Radcliffe College noong 1900, nakapagsulat ng anim na aklat, at nagsilbing tagapagtaguyod ng karapatan at pag-asa ng mga bulag at may kapansanan sa buong mundo.

Ayon sa ulat, kayang kilalanin ni Keller ang isang nagsasalita ng English kung ito ay taga Hilaga o Timog na bahagi ng Amerika, sa pagdama lamang sa bibig nito. Isinapelikula noong 1962 ang buhay ni Keller sa The Miracle Worker.

Advertisement

LATEST STORIES

Grid operator places Visayas, Mindanao under power alerts as plant outages mount

THE National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) placed the Visayas and Mindanao grids under red and yellow alerts on Friday as widespread power...

Meralco cuts electricity rates for second straight month in September

CUSTOMERS of the Manila Electric Company (Meralco) will see a second consecutive month of rate relief, with the utility announcing a reduction of ₱0.0409...

Human chain delivers lifeline water across damaged Zambales crossing

DISRUPTED infrastructure and damaged water sources failed to stop relief operations in Barangay Sta. Fe, San Marcelino town as humanitarian workers and local residents...

Mayor Robredo rallies 11,000-strong security force for Peñafrancia festivities

AROUND 11,000 security personnel, government responders, and volunteer groups assembled at the Minor Basilica and National Shrine of Our Lady of Peñafrancia on Thursday,...

MMDA converts former Carmona landfill into green space and disaster training hub

IN a major push toward urban resilience and environmental sustainability, the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) has officially transformed a former sanitary landfill into...

Landbank-DBP merger sa 2024 na – Diokno

PORMAL na magaganap sa unang semester ng 2024 ang pagsasanib o merger ng LandBank (LB) at Development Bank of the Philippines (DBP), ayon kay...