It’s showtime, umapela sa palasyo?Enrile, Haharangin ang Apela?

Share

UMAPELA diumano ang ABS-CBN sa Office of the President para hindi masuspindi ang It’s Showtime.


Ito ay ginawa ng pamunuan ng programa para hindi matuloy ang 12-airing-day suspension, ayon kay Christy Fermin sa kanyang vlog.


Matatandaang nauna nang sinabi ni Fermin sa online program na Cristy Ferminute ang balitang hindi na raw magpapadala ng motion for reconsideration ang show sa Malacañang, na kung saan, si Vice Ganda ang host.


May ipapalit na raw pansamantala sa noontime show, sakaling ipatupad na ang suspension. Ito raw ay ipalalabas magmula 14-27 ng Oktubre.


Ayon pa kay Cristy, sinabi ng kanyang source na naipadala na sa Palasyo nitong 04 Oktubre ang motion for reconsideration ng It’s Showtime.

BASAHIN  Malaswang segment sa It’s Showtime pinansin ng MTRCB


Ayon sa ilang observers, baka raw may malapit na kakilala ang producer ng show sa Malacañang na siyang tutulong sa kanila para mabaliktad ang utos ng MTRCB na suspindihin ang programa.


Pero, nauna nang sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile na diumano, tama lang ang suspension dahil “bastos si Vice Ganda,” at “yumaman lang ito dahil sa kabastusan”.
Titingnan natin kung sino ang mas astig, ang diumano’y koneksyon sa Malacañang ng It’s Showtime o si Enrile, ang dating kinatatakutan at implementor ng Martial Law ng panahon ni Ferdinand Marcos Sr.


Abangan!

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...

Special election para sa nabakanteng pwesto ni Teves

SIMPLENG voice vote.Ito lamang ang kailangang para opisyal na maideklarang bakante na ang pwesto ni Rep.Arnulfo “Arnie” Teves, 3 rd District, Negros Oriental. Ayon sa...