2 most wanted persons arestado sa Malabon

Share

Kulungan ang bagsak ng dalawang lalaki na listed bilang most wanted personsmatapos maaresto sa magkahiwalay na manhunt operations sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ni Malabon police P/Col. Jay Baybayan kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nagsagawa ng joint manhunt operation kontra wanted persons ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni PCMS Jessie D Rebato, kasama ang 4th MFC RMFB-NCRPO.

Nadakip sa operation ang akusado na si alyas “Win”, 19-anyos, residente ng Tanza 2, Navotas City bandang 3:45 kamakalawa ng hapon.

Ayon sa pulisya, ang akusado ay inaresto nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Rosario G. Ines-Pinzon ng Regional Trial Court (RTC) Branch 290, Malabon City noong October 4, 2023, para sa kasong Rape by Sexual Assault.

BASAHIN  Grade 5 pupil sa Antipolo dedo matapos sampalin ng guro

Nauna rito, nadakip naman ng mga tauhan ng Sub-Station 4 ng Malabon police sa pangunguna ni PSMS Alexander Carlos at WSS sa joint manhunt operation sa Dampa sa Paseo, Brgy., Catmon, bandang 2:25 kamakalawa ng hapon ang isa pang akusado na si alyas “Jose”, 49-anyos, construction worker ng Tige Norzagaray, Bulacan.

Ang akusado ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Malabon City RTC Branch 290 din noong October 4, 2023,  sa kasong paglabag sa Sec. 11, Art 2 of R.A. 9165.

Pansamantalang nakakulong ang mga akusado sa Custodial Facility ng Malabon police habang hinihintay ang commitment order mula sa korte

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...

Krisis sa tubig sa NCR, iba pang lugar

MAY nakaambang krisis sa tubig sa Metro Manila at maraming lugar sa bansa. Ito ay dahil sa patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa...