Daan-daang mga residente ng Barangay Kalawaan umalma sa mabagal na koleksyon ng basura

Share

Daan-daang mga residente ng Barangay Kalawaan ang nananawagan sa mabagal na koleksyon ng basura sa kanilang barangay.

Ayon sa ilang residente, nangangamoy na di-umano ang mga basura sa ibat-ibang bahagi ng baragay kung kaya maging ang kalusugan ng mga bata ay nalalagay na sa peligro.

Sa panayam ng PasigNewsToday (ngayo’y BRABO News Pasig) sa ilang residente, mula December 25 pa di-umano nakatambak ang basura na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nakokolekta.

Ang ipinagtataka ng mga residente ay na bakit ngayon lang ito nangyari kung kailan katatapos lang ng okasyon at alam na dapat di-umano ng basurero na madaming basura dahil nga pasko.

Sinabi pa ng ilang residente na sanay di-umano sila sa araw-araw na iskedyul ng koleksyon ng basura ngunit pumalpak lang ito ngayong taon.

Dagdag pa nila na tuwing araw lamang ng koleksyon nilalabas ang mga basura sa kani-kanilang tahanan, ngunit dahil wala pang kumukuha nito ay nagmistula na itong tambakan ng basura ng mga residente.

BASAHIN  Magsuot ng face mask – Sen. Go

Umaalma na ang mga residente dahil sa bukod sa nangangamoy na ang tambak na basura,  nilalangaw pa ito at inuuod.

Diin pa ng mga residente na sana mahakot ng mas maaga ang basura dahil nga maraming residente lalo na ang mga bata ay maaring maapektuhan ng umaalingasaw na amoy nito. 

Bukod dito ay maraming bata ang naglalaro sa gilid ng tambak na basura.

Nanawagan ang mga residente na sana dumating na ang truck na kumokolekta ng basura dahil tambak na ang basura sa iba’t ibang lugar sa Brgy. Kalawaan.

Ayon kay Ate Isabel, residente sa lugar, na nilang ipaabot kay Mayor na palpak ang sistema ng waste management.

Umaasa ang mga residente ng Brgy. Kalawaan na sana maaksyunan na ng City Council at ni Mayor Vico Sotto ang kanilang hinaing.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...

10 Pulis-Angono swak sa kasong ‘hulidap’

DINIS-ARMAHAN at nasa kustodiya na ng Personnel Holding and Accounting Section (PHAS) ng Rizal Provincial Police Office (Rizal-PPO) ang sampung pulis na nakatalaga sa...