Imbestigador ng ICC hindi papapasukin sa bansa – DoJ

Share

NILINAW ng the Department of Justice (DoJ) noong Sabado na hindi nito papayagang pumasok ng
bansa ang mga imbestigador ng International Criminal Court (ICC) para imbestigahan ang drug war ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.


Sinabi ni DoJ Senior U/Sec. Raul Vasquez na mariing nanindigan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
na tuluyan nang putulin ang ugnayan ng bansa sa ICC, matapos ibasura ng huli ang ating apela na suspindihin ang imbestigasyon.


Sinabi ni Vasquez sa Saturday News Forum, “Dahil nasa investigation stage pa lang, gusto po
nilang mag-umpisa rito para mag-imbestiga, at gusto nilang pumunta dito.”


“Wala naman silang otoridad na gumawa ng mga bagay-bagay tungkol sa pag-imbestiga dahil ito
ay mandato ng ating mga tagapagpatupad ng batas…Sa ngayon, (ang) desisyon niya (ni Pangulong Marcos) ay hindi na makipag-engage sa ICC ,” dugtong pa ni Vasquez.

BASAHIN  Barangay, SK eleksyon sa Nobyembre 2026 na


Nang tanungin kung sakaling mag-issue ng arrest warrang laban kina Duterte at iba pa, sinabi ni
Vasquez na walang enforcement mechanism ang ICC.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...

Planong pagtakbo ni Trillanes bilang alkalde ng Caloocan, inilalatag na

INILALATAG na ni dating senador Sonny Trillanes ang kaniyang plataporma, makakaparehang bise-alkalde, kumpletong line up ng mga konsehal at mga kongresista sa plano nitong...