33.4 C
Manila
Monday, July 8, 2024

Snatcher na-trap ng Grab driver, arestado

Arestado ang isang 21-anyos na lalaki matapos ma-trap at hindi na makadaan nang harangan ng Grab driver ang kanyang daanan makaraang maghablot ng cellphone sa isang pasahero ng  jeep sa Deparo, Caloocan City.

Kinilala ni Talipapa Police Station (PS 3) PLtCol. Morgan Aguilar, ang suspek  na si Abdullah Barientos, residente ng Alonzo Drive, Brgy. 168, Deparo, Caloocan City na nahuli sa kasong snatching noong Miyerkules  ng gabi.

Base sa salaysay ng biktima na si Nica Ella De Roxas, sakay siya ng pampasaherong jeep sa kahabaan ng Quirino Highway, corner Siklot St., Carreon Subdivision, Brgy. Talipapa, Quezon City, nang biglang hablutin ng suspek ang kanyang cellphone.

BASAHIN  P200-k, pabuya para mahuli ang nagnakaw ng iphone – Nieto

Mabilis namang nakahingi ng tulong ang biktima dahil sa dumaang Grab driver at nagpapatrulyang tauhan ng PS 3 na kung saan hinarangan ng Grab driver ang dadaanan sana ng suspek kaya madali na itong nahuli.

Na-recover ang Redmi 90 cellular phone ng biktima na nagkakahalaga ng P7,400.00.

Kasalukuyang  nakakulong ang suspek at sinampahan ng kasong  Theft sa Quezon City Prosecutor’s Office.

BASAHIN  3 wanted na karnaper, huli sa Rizal

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA