Kelot tinutukan ng baril ang mga puntod, huli sa Valenzuela

Share

Kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos maaktuhang pinaglalaruan at tinutukan ng baril ang mga puntod sa loob ng isang sementeryo sa Valenzuela City.

  Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvadro Destura Jr ang naarestong suspek na si Joselito Almejas, 34-anyos, ng Padrigal extension, Barangay Karuhatan.

 Ayon sa report,  nakatanggap ng tawag sa telephono mula sa isang concerned citizen ang tauhan ng Valenzuela Police Sub-Station 9 hinggil sa isang lalaki na naglalaro ng baril sa Karuhatan Public Cemetery sa Padrigal Extension, Brgy. Karuhatan.

 Agad namang rumesponde sa nasabing lugar ang mga tauhan ng SS9 kung saan naaktuhan nila ang suspek na pinaglalaruan at itinututok sa mga puntod ang hawak niyang baril kaya agad itong kinumpiska ng mga pulis.

BASAHIN  "Amasona" na dating estudyante ng De La Salle huli sa Mindoro

  Nang hanapan ng kaukulang mga dokumento hinggil sa legalidad ng nakuha sa kanya na isang cal. 38 revolver na kargado ng apat na bala ay walang maipakita ang suspek kaya pinosasan siya ng mga pulis.

 Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Valenzuela detention cell 

IBA PANG BALITA

Agarang safety checks, emergency support sa 6K eskuwelahan sa Mindanao na apektado ng lindol iniutos ni Angara

INIUTOS ni Education Secretary Sonny Angara ang agarang mobilisasyon ng safety checks at emergency support sa mga apektadong paaralan sa Mindanao kasunod ng naganap...

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

Paglikha ng makabagong gamot, napapanahon

ISANG panukalang batas na naglalayong palawakin pa ang pagtuklas at pagsulong ng mga makabagong gamot ang inihain sa Kamara. Inaprubahan nitong Peb. 28 sa committee...