33.4 C
Manila
Wednesday, July 3, 2024

Orbrero huli sa baril sa Taguig

Nalambat ng mga tauhan ng Substation 2 Taguig City Police Station ang isang 25-anyos na factory worker matapos magdala ng baril at palakad-lakad sa kahabaan ng  Bagsakan Road, Brgy Western Bicutan Taguig City.

Inaresto si Jerico Corus sa illegal na pagdadala ng cal. 38 pistol na may lamang apat na bala bandang 11:55 Linggo ng gabi na kung saan ay kinatatakutan dahil sa kanyang dalang baril habang maglalakad sa kalsada.

Ayon sa report, nagsasagawa ng Oplan Galugad ang Taguig  Police nang mamataan ang suspek at nang hinanapan ng dokumento sa pagdadala ng baril ay walang naipakita kaya agad na siyang hinuli.

BASAHIN  Holdaper sa Pasay City, nasakote sa Oplan Galugad

Sinampahan ng kasong paglabag sa R.A. 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunition ang suspek habang nakakulong ngayon sa Taguig  detention cell.

BASAHIN  Binata kritikal sa pananaksak ng kabarangay sa Malabon

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA