Nalambat sa Cabuyao, Laguna ang kinikilalang No. 10 Top Most Wanted District Level (NPD) at Top No. 5 Most Wanted Person Station Level ng Valenzuela City Police sa isinagawang manhunt operation.
Sa report na nakuha mula sa tanggapan ni PBGen. Rizalito Gapas, District Director ng Northern Police District (NPD), nakilala ang suspek na si Chirre Gard David y Roxas, 20-anyos, residente ng Norzagaray, Bulacan na kabilang sa listahan ng No. 10 Top Most Wanted District Level (NPD) at Top No. 5 Most Wanted Person.
Ayon kay Valenzuela City Police Station (VCPS) chief of police PCol. Salvador Destura, nagsagawa ng intensified manhunt operation and operational research on the Wanted Person ang Warrant of Arrest team at naaresto ang akusado bandang 1:20 Sabado ng happn sa kahabaan ng Pulo Diezmo Road, Cabuyao, Laguna.
Inihain ang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Mateo Altarejos, Presiding Judge, Family Court, Branch 16, Valenzuela City na may petsang August 17, 2023, sa kasong Statutory Rape sa ilalim ng Art. 266-A ng Revised Penal Code.Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Valenzuela custodial facility habang hinihintay ang pagdinig sa kaso.