Mga terorista, pinunit ang ating bandila?

Share

“TERORISTA!” ito ang naisip ng ilan sa ating mga kababayan na nakasaksi sa pagpunit
sa bandila ng Pilipinas ng ilang Pakistani at Romanian nationals, kamakailan.


Nadismaya ang Bureau of Immigration (BI) nang nalaman nilang pinunit ng apat na
banyaga ang ating bandila.


“Dapat igalang ng lahat ng banyaga ang ating mga batas, lalo na ang bandila na
sumisimbolo ng ating bansa,” saad ni Bureau of Immigration Commissioner Norman
Tansingco sa isang opisyal na pahayag, kamakailan.


Sinabi niya na ang mga banyaga na gumagawa nang labis na pambabastos sa simbolo ng
ating bansa ay hindi karapatdapat sa ating hospitality”.


Ayon sa pulisya ng Ternate, Cavite, tatlong banyaga mula sa Pakistan at isa mula sa
Romania, ang kumuha, pumunit at nagtapon ng ating bandila noong Hunyo 26. Sila ay
hinuli ng pulisya matapos gawin ito.

BASAHIN  Assistant manager ng P15-B gambling syndicate, timbog sa Las Piñas


Mahigpit na ipinagbabawal ng R.A. 8491 ang pagsira, pagpunit, paglukot, atbp. mga
gawaing naglalayong magdulot ng nang upasala o kahihiyan sa ating bandila.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...

Amyenda sa SEF ng LGU para sa edukasyon suportado ni Abalos

SUPORTADO ni senatorial candidate Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. ang pag-amyenda para sa dagdag-pondo ng local government unit (LGU) sa ilalim ng Special Education Fund...