₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

Share

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na 26.5 milyon upang palakasin pa ang serbisyong pangkalusugan sa lalawigan ng Aklan.

Pormal na tinanggap ni Aklan Governor Jose Enrique Martin Miraflores ang nasabing medical assistance mula kay PCSO General Manager Melquiades Robles sa ginanap na turnover ceremony kamakailan.

Maliban sa 2 PTVs, nakatanggap din ang Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital ng low-temperature plasma sterilizer, fully automated PCR system, apat na ventilators, at isang anesthesia machine.

Maliban sa 2 PTVs, nakatanggap din ang Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital ng low-temperature plasma sterilizer, fully automated PCR system, apat na ventilators, at isang anesthesia machine. (Photo: PCSO-Media)

Sa pahayag ng pasasalamat, sinabi ni Miraflores na dahil sa 2 PTVs, madadagdagan aniya ang kapasidad ng kanilang patient mobility at emergency medical response lalo na sa liblib na mga lugar.

Malaking tulong din aniya sa kanilang ospital ang mga medical equipment partikular na sa pagpapalakas ng diagnostic, surgical, infection control, at critical care capabilities.

BASAHIN  Male-maletang pera na ‘idine-deliver’ ng 18-ex-Marines sa bahay ng mga pulitiko nakuhanan ng litrato

Binigyang-diin naman ni Robles na ang medical assistance ng ahensya ay para sa kapakinabangan ng komunidad anuman ang political affiliation ng isa.

“Wala itong halong pulitika. Malinaw ang utos ng Pangulo: hindi dapat pinupulitika ang kalusugan. Iyan ang ipinatutupad namin ngayon,” ang pahayag ni Robles.

“Napaka-importante na may access sa healthcare program ang mga mahihirap nating kababayan. Kahit wala silang kakayahang magbayad, dapat ay nakakatanggap pa rin sila ng serbisyong medikal sa kung ano rin meron ang mga pribadong ospital,” dagdag pa ni Robles.

Maliban sa mga nabanggit, nakatanggap din ang probinsya ng lotto revenues mula sa PCSO na nagkakahalaga ng 363,914.26 na sumasaklaw sa mga buwan ng Hulyo hanggang Disyembre 2025.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...

Nakakulong na mga senador puwedeng dumalo sa impeachment trial

MAAARI pa ring dumalo sa isasagawang impeachment trial ang sinumang senador na nakakulong dahil sa kinakaharap na mga kaso basta’t ito ay may pahintulot...

Habal rider tiklo sa ₱1.7M droga sa Pasig

TIKLO ang isang habal-habal rider at nakumpiska sa kaniya ang 250.8 gramo ng pinaghihinalaang shabu sa isang check point kaninang madaling araw sa harap...