AFP: Napaslang na aktibistang UP student sa NegOcc ‘armado,’ may ‘combat rig’

Share

NANININDIGAN ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanilang naunang pahayag na ang napaslang na estudyante ng University of the Philippines (UP) sa isang engkuwentro sa Negros Occidental ay hindi sibilyan dahil sa armado ito at may suot pang combat gear.

Ayon kay AFP chief of Staff General Romeo Brawner Jr., ang nangyari noong Abril 19 sa bayan ng Toboso ay sa pagitan ng Philippine Army (PA) at New People’s Army (NPA) kung saan 19 ang patay sa panig ng mga rebelde kabilang na si Alyssa Alano.

“Sinasabi ba nilang inosenteng estudyante si Alano? Hindi. Kung inosente siya at walang balak sumali sa armadong grupo, bakit nung matagpuan siya ay may suot itong combat rig at may magazine pouch pa. Armado siya. Nakipagbakbakan siya,” ang pahayag ni Brawner.

Idinagdag pa ni Brawner na espisipikong nangyari ang bakbakan sa Brgy. Salamanca, Toboso, Negross Occidental sa pagitan ng 79th Infantry Batallion at mga natitirang miyembro ng Northern Negros Front, Komiteng Rehiyon-Negros (NNF, KR-N).

BASAHIN  Pagdinig ng senado sa impeachment, dapat ora mismo—Brosas

Matapos aniya umatras ang mga rebelde, narekober ang mga nasawi at matataas na kalibre ng baril at subersibong mga dokumento lakip na ang hindi bababa sa lima pang pinaghihinalaang rebelde na nahuli sa follow-up operation.

Subalit kinontra ito ng ilang human rights advocates at sinabing si Alano ay biktima ng “state-sponsored” na pagpatay.

Nag-candle light vigil ang mga estudyante at alumni sa UP Diliman upang magbigay-pugay kay Alano at kondenahin ang nasabing insidente, at kasali sa mga dumalo at nagsalita ay ang aktres na si Tuesday Vargas.

“Napakabigat ng aking puso pero ako ay nagtungo sa aking paaralan upang maki-isa. Mataas na pagpugay kay Alyssa. Salamat sa iyong paninilbihan sa lahat ng mga sektor partikular na ang mga magsasaka sa kanayunan,” ang sigaw ni Vargas.

IBA PANG BALITA

Eugene Nacino hinirang na 2026 ‘Makata ng Taon’

GAGAWARAN ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) si Eugene Geibrielle Nacino ng KWF Talaang Ginto: Makata ng Taon 2026 para sa kaniyang tulang: “Asín...

Mister tinapos ang sariling buhay matapos palakulin si misis

ISANG kaso ng parricide ang iniulat ng Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO) matapos matagpuan sa loob ng kanilang bahay ang misis na sugatan...

Carnapper na nang-blackmail sa Rizal, arestado 

ARESTADO ang isang lalaki nang masakote ng mga pulis matapos manghingi ng pera sa biktima para maisauli ang ninakaw na motor sa Antipolo City,...

Meralco muling nagbabala: Ang pagnanakaw ay ‘nakakakuryente’

NAGBABALA muli ang Manila Electric Company (Meralco) laban sa nagbabalak magnakaw ng mga materyales o kawad ng kuryente sa kanilang mga pasilidad. Ito’y matapos masawi...

Help Desk ng IPOPHL pinasinayaan sa VMall

BUKAS na ang Help Desk ng National Committee on Intellectual Property Rights (NCIPR) sa VMall, Greenhills sa San Juan City para sa Micro, Small and...

Mayor Wes pinangunahan ang groundbreaking ng command center, turnover ng SWAT vans

Pinangunahan mismo ni Mayor WES Gatchalian ang isinagawang groundbreaking ceremony ng "One Valenzuela Command Center" sa Barangay Paso De Blas at ang turnover ceremony...