Kalsada na nag-uugnay sa nasusunog na Navotas landfill, natapos na

Advertisement

SINABI ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco na natapos na nitong weekend ang kalsada na konektado sa dating Navotas Sanitary Landfill Facility (NSLF) sa Barangay Tanza 2.

Dahil dito, mapapabilis na aniya ang pagdating ng mga heavy equipment at mga truck na naghahakot ng mga lupa at buhangin na gagamitin upang matakpan ang apoy na nagmumula sa hotspots sa ilalim ng tambak na basura para tuluyan nang maapula ang sunog sa naturang landfill.

Sa kasalukuyan, nagpapatuloy pa rin aniya ang dredging at soil cover operations sa lugar na layong maapula ang sunog bagama’t kulang pa rin sa kagamitan dahil sa lawak na sakop ng apoy.

“Dahil natapos na ang road dike, mapapabilis na natin a ng biyahe ng mga heavy equipment at tuloy-tuloy na ang pagtatambak sa umaapoy at umuusok pa ring tambak ng basura,” ani Mayor Tiangco.

BASAHIN  Ilang lugar malapit sa fault line sa Pasig ininspeksyon ng OCD
Advertisement

Nauunawaan aniya niya ang pag-aalala ng kanilang mga kababayan at ginagawa naman nila ang lahat ng kinakailangang hakbang upang maresolba ang problema sa lalong madaling panahon.

Pinaalalahanan pa rin ng alkalde ang lahat na magsuot ng face mask at limitahan ang paglabas ng bahay hangga’t maaari dahil nasa 138 ang Air Quality Index o AQI sa Navotas na nangangahulugang masama pa rin para sa mga sensitibong grupo. 

Nagpapasalamat din si Mayor Tiangco sa lahat ng ahensya ng pamahalaan, partner organizations, at mga pribadong kumpanyang patuloy na tumutulong sa malawakang operasyong ito. (JUVY LUCERO)

Advertisement

LATEST STORIES

Grid operator places Visayas, Mindanao under power alerts as plant outages mount

THE National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) placed the Visayas and Mindanao grids under red and yellow alerts on Friday as widespread power...

Meralco cuts electricity rates for second straight month in September

CUSTOMERS of the Manila Electric Company (Meralco) will see a second consecutive month of rate relief, with the utility announcing a reduction of ₱0.0409...

Human chain delivers lifeline water across damaged Zambales crossing

DISRUPTED infrastructure and damaged water sources failed to stop relief operations in Barangay Sta. Fe, San Marcelino town as humanitarian workers and local residents...

Mayor Robredo rallies 11,000-strong security force for Peñafrancia festivities

AROUND 11,000 security personnel, government responders, and volunteer groups assembled at the Minor Basilica and National Shrine of Our Lady of Peñafrancia on Thursday,...

MMDA converts former Carmona landfill into green space and disaster training hub

IN a major push toward urban resilience and environmental sustainability, the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) has officially transformed a former sanitary landfill into...

KC Concepcion, ex-Sen. Pangilinan, may away?

TILA yata may matinding hindi pagkakaunawaan sina KC Concepcion at ng kanyangstep-father na si ex-Sen. Kiko Pangilinan. Ayon sa ilang netizens na nakapansin sa Instagram...