Cellphone ng empleyado ng Manila City Hall na magpa-flag ceremony, tinangay; Snatcher nakorner

Share

Isang empleyado ng Manila City Hall ang nabiktima ng snatching na dadalo sana sa flag raising ceremony kaninang umaga sa Kartilya ng Katipunan, malapit sa City Hall.

Nilapitan umano ng dalawang suspek ang biktima at tinangay ang kanyang cellphone. Agad namang rumesponde ang mga security personnel at ilang empleyado sa lugar na humabol sa mga salarin.

Naaresto ang isa sa mga suspek habang nakatakas naman ang kanyang kasamahan.

Nasa kustodiya na ng Special Mayor’s Reaction Team o SMART ang 24-anyos na suspek na residente ng Tondo.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad at manhunt operation laban sa ikalawang suspek. (AR BERNARDO)

BASAHIN  Driver laglag sa estafa

Read more

Local News